Advertisers
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong upang palakasin ang matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Singapore.
Sa bilateral meeting, tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalawak ng kalakalan, pamumuhunan, at kooperasyon sa artificial intelligence, kalusugan, at social development.
Nagkasundo rin silang isulong ang mga bagong bilateral agreement na magbibigay ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa.
Pinagtibay din ng Pilipinas at Singapore ang kanilang pangakong itaguyod ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at mas maraming oportunidad para sa buong ASEAN.
Nasa Singapore si PBBM para sa tatlong araw na working visit. (Gilbert Perdez)