International Recording Artist & Pop Rock Diva Rozz Daniels, Special Guest Sa PODCAST Ni Julius Babao At Tintin Bersola Sa One PH network At TV 5; Morenong Actor At Ex Na Actor-Politician Nagkabalikan?
Advertisers
By Peter S. Ledesma
Sa July 14 episode ng Julius And Tintin na Para Sa Pamilyang Pilipino Podcast. Ang International Recording at Pop Rock Diva na si Rozz Daniels ang special guest ng sikat na TV Personalities couple.
At sa guesting na ito ni Rozz, ay makikitang nag-research talaga ang staff nina Papu Julius Babao at Mamu Christine Bersola-Babao at pati ang muntik-muntikan na pagpasok noon ni Rozz sa showbiz, noong mid 80’s ay alam ng tandem couple at isa ito sa kanilang mga itinanong kay Rozz na pinagkwento nila ng rags to riches and successful nitong buhay sa Wisconsin, USA sa piling ng american husband na si Sir David Daniels. At lahat ng questions sa kaniya ay sinagot lahat ni Rozz.
At bago pinakanta nina Julius at Tintin si Rozz para sa pino-promote nitong bagong single na “Bulong Ng Damdamin” na isang revival at composed ng veteran and respected composer na si Doc Mon Del Rosario. Tinawag na muna ni Tintin itong si Sir David para tabihan ang wife na si Rozz.
Ininterview rin ng mag-asawang host si Sir David. Hayun, at instant ay nakita at napanood uli si Sir David sa guesting ni Rozz sa nasabing Podcast ni Julius at Tintin. At least aside to Rozz, ay nakikilala na rin ng public ang handsome and sweet niyang partner sa buhay na parating nakasuporta sa pa blooming ng showbiz career ni Rozz. At kapansin-pansin na lalong nagiging gwapo si Sir David na pasadong hollywood actor.
Going back to Rozz guesting, I ask her kung ano ‘yung feeling na mainterview siya ng number one Vlogger ng bansa at News anchor ng Frontline Pilipinas na si Julius Babao? Ito ang naging tugon ni Rozz sa inyong lingkod.
“I am happy and honored to have been interviewed by Sir Julius Babao and Tintin. My husband David and I consider this one of my most memorable television interviews. That is why I am grateful for the invitation to be a guest on their podcast.
I also want to thank my manager and friend, Director Benny Andaya, for his efforts in making this guest appearance with Sir Julius Babao happen. Thank you, Benny.” Pahayag pa ni Rozz, na grateful sa nasabing guest appearance.
***
Da who itong si morenong aktor at ex na actor-politician na kalat sa social media na nagkabalikan na raw? Well siya(pulitikong aktor) kasi ang first love ni famous dark handsome actor na matagal ng buking sa showbiz na Bading. Infairness, ang sweet ng dalawa habang sabay na nag-eexcercise. Yes tinutulungan ni Baklitang actor na bumalik ang magandang katawan ng nakabalikang jowang Papa. Napabayaan kasi nito ang kanyang katawan magmula ng maging busy sa pulitika. Clue, si gay actor ay may anak na singer-actor. At si Papang politician naman ay matagal na panahong naging Vice Mayor ng Maynila. Get’s mo?