Advertisers
By Mercy Lejarde
Inihayag ng negosyante at tinaguriang “Lord of Scents” na si Joel Cruz na nawalan siya ng humigit-kumulang ?40 milyon matapos umanong mabiktima ng isang scam. Ibinahagi niya ang detalye ng insidente sa kanyang panayam sa vlog at podcast ng mamamahayag at radio host na si Susan Enriquez, Kay Susan Tayo!.
Sa panayam, napag-usapan ang tungkol sa kayamanan ni Joel Cruz na ayon sa kanya ay bunga ng kanyang sipag, tiyaga, at pagsisikap gamit ang malinis na pamamaraan.
Tinanong siya ni Susan, “Hindi ba sa panahon ngayon, sinasabi na hindi tayo dapat masyadong nagpapakita ng kayamanan o karangyaan? Ang yaman mo ba ay talagang katas ng iyong negosyo sa pabango?”
Sumagot si Joel, “Yes. Masasabi kong katas talaga ito ng Aficionado. We’ve been in the business for the past 25 years, at ito talaga ang aming bread and butter. Mayroon akong iba pang negosyo, pero karamihan ng pinanggalingan ng lahat ng ito ay ang Aficionado.”
Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, galing talaga sa Aficionado ang lahat dahil napakaganda ng kalidad ng aming pabango. Mura at affordable ito. Bukod dito, mayroon din akong iba pang negosyo. Mayroon akong anim na gusali sa California na binili ko mismo. Mayroon itong humigit-kumulang 21 hanggang 23 tenants at malaking parking lot na kumikita rin. Kabilang sa aming mga tenant ang mga bangko, dental clinic, restaurant, at mga kumpanya ng mobile phone. Kaya maganda ang negosyo.”
“Kung sabihin ko man ito, ginawa ko ito sa malinis na paraan. Pinaghirapan namin ito. Proud ako na hindi ‘to mga alam mo na ‘yung nangyayari sa gobyerno natin. Dito, malinis talaga.”
Tinanong ni Susan si Joel, “Sa buong buhay mo bilang negosyante, mayroon na bang pagkakataon na may nawala sa iyong pera o na-scam ka?”
Sagot ni Joel, “Oo,” sambit niya na may halong tawa.
Muling nagtanong si Susan, “Paano nangyari?”
Kuwento ni Joel, “Diyos ko. Tatlong beses na yata akong na-scam. Noong una, akala mo totoong kaibigan mo ang isang tao. Ipapakita niya sa iyo ang magagandang bagay at magbibigay ng tiwala. Pero kalaunan, sasabihin niya na mayroon siyang ini-invest na pera sa ibang bansa. Dahil nagtiwala ako, pumayag ako. Ang hindi ko alam, hindi pala talaga iyon investment—nagsusugal pala siya. Doon na naubos ang pera.
Nang tanungin siya ni Susan kung magkano ang perang nawala sa kanya, diretsahang sagot ni Joel. “?40 milyon.”
Well, ingat-ingat din pag may time, Sir Joel. Basta ang masasabi lang ni yours truly, ‘Kay Susan Tayo!
——-
Mga kwentong Pinoy na kakaiba, nakamamangha, at nakatitindig-balahibo ang ibibida ng bagong news magazine program ng ABS-CBN News na “Ibang Level ‘To” kasama sina Melai Cantiveros-Francisco at MJ Felipe na mapapanood ngayong Hulyo 25 (Sabado).
Hatid nina Melai at MJ ang samu’t saring istorya na pang-next level ang pagiging kakaiba mula sa iba’t ibang dako ng bansa. Mapa-trending moments sa social media, mga pambihirang talento ng iilang Pilipino, o mga hindi ordinaryong pamumuhay ng iilan sa atin, sagot ‘yan ng “Ibang Level ‘To.”
Sa unang episode nito, samahan sina Melai at MJ na silipin ang ilan sa mga agaw-pansin na mga tirahan, tulad ng mga pamamahay na binabaybay ang karagatan ng Manila Bay, hanging shelters sa Tondo na nakasabit sa ilalim ng tulay, at ang kilalang upside-down house sa Benguet.
Lahat ng kakaibang istorya na ito, mapapanood sa “Ibang Level ‘To” tuwing Sabado simula Hulyo 25, 6:45 PM sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa ABS-CBN News YouTube channel at iWant.