Advertisers

Advertisers

Pagsusunog ng effigy sa SONA rally, bawal – PNP

0 7

Advertisers

HINDI papahintulutan ng Philippine National Police (PNP) ang mga posibleng pagsusunog ng mga effigy para sa inaasahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 27, Lunes.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co, hindi lamang sa mga effigy ang hindi papayagan kundi anumang pagsusunog ay ipagbabawal.

Ani Co, kung meron mang magsusunog ay gagawin nila ang lahat ng mapayapang paraan para mapigilan ang nasabing ilegal na gawain.



Sakali mang hindi ito matitigil ay kikilos na ang pulisya ng naayon sa batas.

Siniguro naman ng PNP ang maximum tolerance sa hanay ng pulisya sa lahat ng pagkakataon ngunit hindi papayagan ang mga indibidwal na makihalo para manggulo sa nasabing mga mapayapang pagtitipon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">