Boring raw kasi… Michael Sager pinupush ng netizen na ipalit kay Dingdong Dantes para sa next hosting
Advertisers
By Beth Gelena
May umaapela sa muling paghohost ni Dingdong Dantes para sa next episode ng singing talent search sa kanyang homestudio.
Ani ng netizen sa Threads, “no offense meant to DingDong Dantes pero wala na bang ibang host ang network? Sya nanaman ang host ng The Voice Kids? Wala ba kayong new blood? New Paolo Bediones. New Robi Domingo. Kulang sa push si Dingdong, zero humor.”
“Xactly… He’s too plain… No excitement.. just flat… Bland.. no offense just the truth”
Ang mga coach ng nasabing programa ay sina Yeng Constantino, Gloc-9, Julie Anne San Jose at Billy Crawford.
May nagpupush na pwede naman daw si Michael Sager if given a chance.
‘Cornerstone kasi si Michael Sager, kaya ayaw sugalan. Tuloy substandard ang host na nakukuha sa shows. Mas marunong pa mag host si Martin Javier.”
“Sinasayang nila potential ni Michael Sager. Palakasan lang kasi ata diyan.”
“They should practice Michael Sager! I think he is a good host”
“Trademark nila yan. Nung sikat ang mga bida ng TGIS, puro sila, nung si Richard Gutierez puro siya ang bida, same with Angel Locsin. I remember nag reunion ang TGIS at GIMIK cast yan reklamo ng mga TGiS parang na balewala sila ng network nung may bago nang sumikat.”
“Mas okey pa kung si Drew Arellano”
“No offense meant pero, compare naman kay Dingdong ( na boring mag host), Luis Manzano is one of the best male host. No dead air! May sense of humor at alive na alive and full of energy kaya hindi boring!”
“Araw Araw na nakikita si DD sa FF..
Sana iba naman. hehehe..”
“Parang si Toni Gonzaga na seven days a week, may palabas na siya ang host (PBB, Entertainment Konek, MRS, Wazzup Wazzup, at ASAP).”
“Kay Toni kasi nakakacatch up sya sa viewers and nakakabitaw ng jokes like ng hosting nina Luis, Billy tapos pinapartner din sa bago bago kahit papano – Si Dingdong ksi medyo serious.”
“Sayang talaga si Michael Sager. Ang galing talaga nung batang yun eh, di lang nabibigyan siguro ng opportunity masyado”
“Maraming pwedeng host ang GMA marami din silang good actors kaso ang problema sa pare parehong tao sila nagbibigay ng projects. I agree with the others Michael Sager is good with hosting I’ve watched him sa mmff hindi lang nabibigyan ng opportunity”
“Mag experiment naman kayo ng ibang artista. Sayang ang dami nyo talents, iisang tao lang binibigyan nyo ng spotlight.”
“Michael Sager can be the next Robi Domingo. Fresh, young, can vibe to younger viewers especially the Voice yan.”