Advertisers

Advertisers

Opisyal nang Inilunsad ang JAMSAP Entertainment Academy bilang Official Talent Development Program ng JAMSAP TV

0 9

Advertisers

By Mercy Lejarde

Bilang bahagi ng misyon nitong tuklasin at i-develop ang susunod na henerasyon ng mga Filipino artists, buong pagmamalaking inanunsyo ng JAMSAP Entertainment Corporation ang opisyal na paglulunsad ng JAMSAP Entertainment Academy, ang Official Talent Development Program ng JAMSAP TV.

Layunin ng academy na magsilbing tulay para sa mga aspiring talents na nangangarap magkaroon ng tunay na oportunidad sa entertainment industry sa pamamagitan ng structured training sa Acting, Modeling, at Dancing, kasabay ng paghubog ng professionalism, discipline, confidence, at strong values.

Higit pa sa isang traditional workshop, ang JAMSAP Entertainment Academy ang magiging opisyal na talent development arm ng JAMSAP TV, na maghahanda sa mga aspiring performers para sa mga future opportunities sa television productions, digital media, live entertainment, at iba pang proyekto sa ilalim ng patuloy na lumalawak na JAMSAP Entertainment network.

Ayon kay Jojo Flores, President ng JAMSAP Entertainment Corporation, itinatag ang academy upang magkaroon ng isang organisadong talent development program kung saan maaaring tuloy-tuloy na ma-develop ng mga aspiring artists ang kanilang skills at maihanda sila sa standards ng professional entertainment industry.

“Every great artist starts with an opportunity. Sa pamamagitan ng JAMSAP Entertainment Academy, nais naming tulungan ang mga aspiring talents na ma-discover ang kanilang potential, ma-develop ang kanilang abilities, at maipakita ang kanilang passion nang may kumpiyansa sa mas malaking audience.”

Sa unang yugto nito, mag-aalok ang academy ng specialized programs sa Acting, Modeling, at Dancing, sa gabay ng mga experienced mentors at isang curriculum na idinisenyo upang ihanda ang bawat participant sa professional industry standards.

Habang patuloy na pinalalawak ng JAMSAP TV ang mga original productions at entertainment initiatives nito, inaasahang magiging isa ang JAMSAP Entertainment Academy sa pangunahing talent development platforms ng kumpanya. Layunin nitong maghubog ng mga future actors, models, dancers, hosts, at performers na maaaring maging bahagi ng mga susunod na television programs, digital content, live events, at iba pang entertainment projects ng JAMSAP.

Ipinapakita rin ng paglulunsad ng academy ang long-term vision ng JAMSAP Entertainment Corporation na makatulong sa patuloy na pag-unlad ng Philippine entertainment industry sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipinong may talento.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, muling pinagtitibay ng JAMSAP Entertainment Corporation ang pangako nitong hindi lamang mag-develop ng mahuhusay na entertainers, kundi ng mga indibidwal na may creativity, discipline, professionalism, at passion na magbigay-inspirasyon sa iba.

About JAMSAP Entertainment Academy

Ang JAMSAP Entertainment Academy ay ang Official Talent Development Program ng JAMSAP TV, na nakatuon sa pag-discover, pag-develop, at pag-showcase ng susunod na henerasyon ng mga Filipino artists sa pamamagitan ng professional training sa Acting, Modeling, at Dancing.

Discover. Develop. Showcase.

The Next Generation of Filipino Artists.

——–

Hindi lang saya ang hatid ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kamakailang episode ng It’s Showtime. Nagbigay rin siya ng karagdagang ?70,000 sa contestant na si Budang matapos nitong manalo ng ?30,000 sa segment na “Laro Laro Pick.”

Sa jackpot round, pinili ni Budang ang “Li-pot,” na nagkaloob sa kanya ng ?30,000. Kung “Pot” ang kanyang napili at nasagot nang tama ang tanong, maaari sana niyang maiuwi ang ?150,000 jackpot prize.

Ang tanong ni Vice para sa jackpot ay, “Ngayong araw ay nakatakdang maghatid ng State of the Nation Address si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Pang-ilang SONA na niya ang idaraos? Ito ay nasa gitna ng ikaapat at ikaanim.”

Una ay sumagot si Budang ng, “Dalawa?”

Muling nilinaw ni Vice ang tanong at sinabing, “Nasa gitna ng 4th at 6th, pang ilan?”

Dito ay itinama ni Budang ang kanyang sagot at sinabi, “5th?”

“5th is the right answer. Sayang,” ani Vice. “May ?30,000 ka na. Huwag kang manghinayang. Alam kong breadwinner ka at may karamdaman ang nanay mo, habang may maintenance naman ang kapatid mo. Alam kong napakahirap ng pinagdaraanan mo.”

Sumagot naman si Budang, “Opo, Meme. Sobra po.”

Nagpatuloy si Vice at sinabing, “Kailangan mong magdoble, nang magdoble, nang magdoble ng mamasahihin para magkaroon ng tip at matugunan ang pangangailangan ng pamilya mo. Ang hirap kapag may may sakit sa pamilya. Hindi mo man nakuha ang ?150,000, may ?30,000 ka naman. Dadagdagan ko iyon ng ?70,000. Are you happy?”

Masayang tugon ni Budang, “Happy po. Thank you po.”

Binigyan pa siya ni Vice ng mensahe ng pag-asa.

Ani Vice, “Yeah. At sana maging happy ka. Alam kong nakakapagod ‘yan, pero sana makahanap ka ng maraming dahilan para maging masaya. Sana maglambing sa’yo ang universe. Paminsan-minsan, araw-araw, pagkatapos mong mapagod, sana may ipadala sa’yo na lambing, tawa, kiliti, hagikgik, at halakhak bago ka matulog. Congratulations.”

Nagpasalamat naman si Budang at sinabing, “Salamat. Thank you very much.”

Well, at least may pinasaya na naman si Meme. Good job, Vice!