Advertisers
NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Filipina tennis star Alex Eala matapos masungkit ang kauna-unahan niyang WTA Tour singles title nang pataubin si world No. 3 at top seed Jessica Pegula sa finals ng Mubadala DC Open.
Dahil dito, itinanghal si Eala bilang kauna-unahang Pilipinang nagkampeon sa isang WTA 500 tournament.
Sa isang pahayag, sinabi ni PBBM na muling pinatunayan ni Eala ang kanyang husay at dedikasyon sa tennis, habang patuloy nitong binabago ang pananaw sa kakayahan ng mga atletang Pilipino sa pandaigdigang entablado.
“Alex Eala does it again PH,” ayon kay Marcos.
Ayon sa Pangulo, ang panibagong tagumpay ni Eala ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming kabataang Pilipino na mangarap at patunay na kayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa pinakamataas na antas ng internasyonal na kompeti-syon.
“Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redefine what is possible for Philippine tennis and inspire countless young Filipinos to dream without limits,” dagdag pa ng Chief Executive. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)