Advertisers
‘Yan ang pagsasalarawan ni Johnny de la Rosa sa atmosphere sa loob ng Sobeys Stadium sa Toronto.
Pinanood kasi ng kaibigan nating si Johnny ang unang match ni Alex Eala sa Toronto Leg ng Canadian Open sa siyudad kung saan na siya nanirahan.
Grabe raw ang charisma sa tao ng ating 21 años na tennis sensation.
” Tila baga nakuryente ni Alex ang lahat nang nagsalita siya matapos talunin si Alycia Parks sa tatlong set, electriying talaga,” kwento ng kababata nating si dela Rosa.
Nguni’t sa isang banda may napansin ang guro natin noong elementarya na citizen na doon.
” Di maganda na tila inaasar natin ang kalaban, dapat cheer lang tayo sa hinahangaan, ” sabi ni Gng Edna Licsi-Moreno.
“Kawalang respeto yun sa katunggali ng ating kampeon, ” dugtong ni Ma’am.
Relaks lang tayo mga kabayan diyan. Hindi basketball game yan sa barangay.
Kapareho ng obserbasyon ni Johnny ang kay Dean Ipanag nang magwagi ang Pinay sa Mubadala DC sa William HG FitzGerald Tennis Center sa Washington.
” Superstar na talaga si Alex at may tunay na Eala Mania na sa sports world, ” eka ni Dean, kaklase natin sa haiskul.
Pati mga organizer ng mga torneo ay aminado sa status ngayon ni Alex E.
Halos lahat daw ng gustong bumili ng ticket ang hinahanap na sked ay yung may laban ang nagsanay sa Rafa Nadal Academy.
Malaki na kasi ang Filipino community saan man sa mundo. Idagdag mo pa diyan sng mga tennis enthusiast na bilib rin sa ating kababayang kampeon.
Tumutulo luha ni Pepeng Kirat nang mapanood niya sa TV si Alex sambitin ang mga katagang… “proud na proud na proud akong maging Filipino”.
Iba na ang mahusay na maganda pa.
Tapos mabuting halimbawa pa sa kabataan.
Tiyak dadami na tennis player sa atin.
***
Ayon sa ulat ay isa lang ang hindi makakasama sa 4-day bonding at training camp ng Lakers sa Slovenia sa ika-20 hanggang ika-24 ng buwang kasalukuyan .
Ito ang rookie na si Cameron Carr na kailangan dumalo sa orientation sa mga bagong player ng NBA sa petsa na pareho sa trip na ito sa bayan ni Luka Doncic.
Sagot ni The Don ang gastos. Chartered plane pa ang sasakyan ng buong team.
May tanong lang si Tata Selo
Makasali kaya sa camp ang minimithi nilang addition na si Jonathan Kuminga?
Totoo bang ma-trade sa 76ers si Bronny bago sila lumipad patungo sa bayan ni Luka?
Mapipiho natin yan sa darating na mga araw.
***
Isa pang nagpapasaya sa atin ngayon ay si EJ Obiena na nasungkit ang ikaapat na ginto sa pole vault sa Germany.
Ika-pito ng produkto ng USTe ito ngayong taon.
Mabuti mayroon tayong EJ at Alex na nagbibigay ng karangalan.
Puro sakit ng ulo yung karamihan sa atin mga opisyal ng gobyerno.
Pang-balanse ng buhay nating mga Pilipino. Sila ang positibo sa mga negatibong sina Inday Lustay, Boy Sili at Boy Caldero.