Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ANG debut single ng mahusay na singer na si Jam Leviste ay ‘yung Awit ng Puso, na sinundan ng Nawawala Ako Sa Sarili.
Ang dalawang awitin ay parehong sinulat ng award-winning composer na si Vehnee Saturno.
Ang unang kantang natutunan.ni Jam ay yung pinasikat ni Adele na Set Fire to the Rain.
Si Adele ang paborito niyang foreign singer, at si Janine Berdin naman, na tinanghal na Grand Champion sa Season 2 ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime,ang pabirito niyang local singer.
Nu’ng napanood daw niya si Janine sa mga concerts nito ay napahanga siya dahil sa galing nito sa pagbirit ng mga kanta. Gaya ni Janine kasi, ay biritera rin siya.
Kumakanta ng ballad at upbeat songs si Jam,. sa tanong kung ano ang mas mahirap kantahin,,ballad or upbeat, ang sagot niya,”Yung upbeat po.Kasi sinasabayan mo.po yung pagsayaw at pagkanta. Parang nakakahingal din po siya at the same time,”
Si Jam ay grade 7 na sa Stella Maris Academy sa Malolos. Ang kaibigan naming si Audie See ang tumatayo niyang manager.
Ang mga magulang ni Jam ay sina Engr. Mario at Mariciel Andaya.
Aminado si Jam.na daddy’s girl siya. Kapag may kailangan siya na something or certain things ay ang daddy niya ang mas nilalapitan niya.At ibinibigay nito ang kanyang requests.