Advertisers
Ni Oggie Medina
Nakaukit sa isip ko hanggang ngayon ang pag-uusap nina Lolo Doroy at Iosephus sa Vince Tañada’s Rizal 3000.
Excerpts: “DOROY: Dahan dahan ka lang anak. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang himala ang nangyari sa ‘yo. Imagine, wala kang maalala dati, kahit paglakad ay hindi mo magawa. Ngayon unti-unti nang nagbabalik ang lahat.
“IOSEPHUS: Itay, sa tatlong buwan na binabasa ni Franchesco ang nobela, salita at gawa ni Rizal, maging sa panaginip ko’y minumulto ako ng lahat ng mga karakter ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. May himala din ang tinig ni Franchesco, itay. Iba ang kapangyarihan ng isang Kabataan lalo na kung gugustuhin niya ang pagbabago.
“DOROY: Ano pa ba ang naaalala mo?
“IOSEPHUS: Kaunti pa lamang ang bumabalik sa aking alaala. Ngunit ang diary na ito ang magbubukas sa aking isipan. Tulungan mo ako, itay. Huwag kang tumigil hangga’t hindi ako namumulat.”