Advertisers

Advertisers

Multicab nahulog sa bangin: 2 patay, 10 grabe

0 2

Advertisers

NASAWI ang dalawa katao at 10 ang malubhang nasugatan nang magpagulung-gulong at mag-dive sa bangin ang kanilang sinasakyang pick-up type multicab na galing sa outreach mission sa Sitio Mudon, Barangay Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato, August 16.
Iniulat nitong Linggo ni Leonardo Ballon, tagapamahala ng Surallah Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at ng barangay officials na ang insidente ay naging sanhi ng pagkamatay ng driver ng na-sabing multicab na kinilalang si Joey Areglado, at isa sa kanyang pasahero na si Marilyn Antonio.
Kinumpirma rin ni Ballon at ng mga imbestigador ng Surallah Municipal Police Station na 10 pang pasahero ng multicab ang nagtamo ng matitinding sugat at bali sa kanilang katawan na ngayo’y nilalapatan ng lunas sa ospital.
Lumalabas sa imbestigasyon na lahat ng mga biktima, mula sa Seventh-Day Adventist community sa Surallah, ay pauwi na sa kanilang mga tahanan mula sa isinagawang outreach mission sa Barangay Upper Sepaka nang mawalan ng kontrol si Areglado sa minamanehong multicab dahil sa mechanical trouble.
Sinabi ng mga saksi na nakita nilang nagpagewang-gewang muna ang multicab at biglang lumihis sa gilid ng kalsada saka mabilis na nagpagulong-gulong bago nahulog sa bangin.