Advertisers

Advertisers

MANILA REP. CHUA, NANAWAGAN SA MEDIA NA PANGUNAHAN ANG LABAN SA FAKE NEWS, KASABAY NG PAGPURI SA KANILA SA NATIONAL PRESS FREEDOM DAY

0 8

Advertisers

NANAWAGAN si Congressman Joel Chua (Manila, 3rd district) sa mga miyembro ng mainstream media na pangunahan ang paglaban sa fake news at pagpapakalat ng maling impormasyon.

Kasabay niyan ay nakikiisa umano si Chua sa pagdiriwang ng National Press Freedom Day ngayong August 30 at pnapurihan ang media dahil sa kanilang papel sa pagbubulgar ng mga anomalya sa gobyerno at paghubog ng public opinion.

“Legitimate news outlets are important in serving as partners for nation-building and combating fake news and corruption in public offices,” ani Chua.

Aniya, ang media members ay may responsibilidad na panatilihing ‘informed’ o may alam ang publiko, lalo na pagdating sa mga kritikal na isyu at kaganapan.

Binigyang-diin din ni Chua ang kahalagahan ng media sa pagtulong ng pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa mahahalagang programa ng gobyerno at sa mga positibong national development efforts.

Idinagdag pa ni Chua, na isa sa mga nangunguna sa prosecution team sa nagaganap na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, na”more than any other government arm, the media, as members of the Fourth Estate, serves as the principal in the government’s efforts to build public trust and fight against misinformation. ” (JERRY S. TAN)