Advertisers

Advertisers

Utang ng Pilipinas, kayang bayaran ng pamahalaan — Palasyo

0 4

Advertisers

TINIYAK ng Malacañang na may sapat na kakayahan ang pamahalaan na bayaran ang mga utang ng bansa sa tamang panahon.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, karamihan sa mga utang ng bansa ay may mahahabang repayment period, kaya hindi kailangang bayaran agad ang malaking bahagi ng principal at interes.

Sinabi ni Castro na sapat ang kasalukuyang kita ng pamahalaan upang matugunan ang mga obligasyon nito, habang patuloy na isinusulong ang mga reporma para palakasin ang fiscal capacity ng bansa.



Kabilang dito ang ProGRESS Bill, na naglalayong magbigay ng tax relief habang pinapalakas ang koleksiyon ng gobyerno para matustusan ang mahahalagang serbisyo at programa. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">