Advertisers

Advertisers

Health agencies pinaghahanda sa posibleng paglobo ng heat-related illnesses

0 4

Advertisers

Nakahanda na ang mga health agencies sa posibleng pagtaas ng heat-related illnesses bunsod ng inaasahang mas mainit at mas tuyong panahon.



Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis na bahagi ng national El Niño team ang Department of Health na naghahanda ng mga hakbang para maprotektahan ang publiko.

May mga lokal, pambansa at sub-national policies na aniyang nakalatag upang maiwasan o mabawasan ang epekto ng matinding init sa kalusugan.



Patuloy din, ayon kay Solis, ang koordinasyon ng DOH, mga lokal na pamahalaan at DOST-PAGASA hinggil sa heat-health measures.

Sinabi pa ni Solis na kabilang dito ang pagbibigay ng mga abiso at gabay sa publiko tuwing tumataas ang heat index at panganib ng heat-related illnesses. (Gilbert Perdez)