Advertisers
Itinutulak ni Senador Erwin Tulfo ang pagpapasa ng batas na magbibigay pagkilala sa mga ‘line workers’ dahil aniya: “Kung wala po itong mga linemen natin, mga workers po natin ay wala ho siguro tayong mga kuryente.”
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy na kanyang pinamumunuan bilang Chairman, binigyang-diin ni Tulfo ang kahalagahan ng pagpasa ng mga nakabinbing batas na layong kilalanin at palakasin ang proteksyon at kapakanan ng mga line workers sa bansa, kasama na ang deklarasyon ng “National Line Workers Day” at “Line Workers Insurance and Benefits Act”.
“About line workers’ insurance, dapat ituloy-tuloy po ito, wala pong problema. Matagal na po ito dapat. We really have to ika nga make sure na meron pong araw ang ating mga line workers,” aniya.
Ayon kay Tulfo, “behind every light that stays on are line workers who brave difficult and often dangerous conditions to keep electricity flowing.”
“Hindi ho biro ang panganib na kinakaharap po ng ating mga lineman. Kapag may bagyo, baha, lindol, o iba pang sakuna, sila ang ipinapadala sa labas upang umakyat sa poste, magkumpuni ng mga linya at magtrabaho nang ilang oras, kahit disoras pa ‘yan ng gabi, upang maibalik lang ang serbisyo,” aniya pa.
Ang pagbabalik umano ng kuryente ay hindi lamang ‘matter of convenience’ at aniya, lahat ng government offices, paaralan, ospital, businesses at lahat ng komunidad ay nakadepende lahat sa kuryente upang makapag-function.
Alinsunod sa mga ito, hiling ni Tulfo na ikonsidera muna ang Senate Bill Nos. 497 at 1084, pati na House Bill No. 7304, na pawang naglalayong parangalan ang mga line workers bilang ‘unsung heroes of electrification’ sa pamamagitan ng pagdeklara sa unang Lunes ng Agosto kada taon bilang “National Line Workers Appreciation Day”.
“More than a symbolic observance, it is to promote greater public appreciation for line workers, while also advancing their welfare and professional development through programs on occupational safety, proper training and equipment and skills development,” ani Tulfo.
“At kung kikilalanin natin ang kanilang serbisyo, dapat kilalanin din natin ang peligro na kasama sa kanilang trabaho. These dangers are very real,” dagdag pa niya.
Nitong July 2026 ay namatay umano ang isang lineman ng Cagayan Electric Cooperative, Inc.habang nagsasagawa ng power repairs sa Cagayan, na sinundan ng isa pa. The following month, another lineman died while repairing electric lines in Mapandan, Pangasinan.
“These are not abstract occupational risks but rather, risks that can cost workers’ lives and leave a family without a loved one and a source of livelihood, thus, the need to strengthen insurance protection for our line workers. The proposals before us seek to establish a mandatory minimum threshold for life, accident, and disability insurance for line workers across private distribution utilities, electric cooperatives and transmission or grid operators throughout the country. We want to determine what constitutes adequate protection, who should be covered, and how these requirements can be implemented effectively,” pahayag ni Tulfo.
Dagda pa niya: “Hindi na po natin hinihingi ang imposible. Ang hinihingi lamang po natin ay proteksyon katumbas ng panganib na araw-araw na sinusuong ng atin line workers habang tayo doon sa ating mga tahanan, opisina, kahit na bumabagyo meron pong kumukumpuni para muling maibalik ang kuryente sa ating bahay, para hindi po tayo mainitan, meron tayong electric fan, makapagluto tayo, makapag-aral ang ating mga anak.” (JERRY S. TAN)