Advertisers

Advertisers

BARMM POLLS SA COTABATO MADUGO!

0 5

Advertisers

ISINAILALIM ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang direktang kontrol ang lahat ng 37 barangays sa Cotabato City dahil sa mga madugong insidente Linggo ng gabi at pagsisimula ng botohan nitong Lunes para sa halalang parliamentaryo sa Bangsamoro.
Ang Cotabato City ang kabisera ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan at Tawi-Tawi, gayundin sa da-lawang lungsod na Lamitan at Marawi.
Sinabi sa mga ulat sa radyo sa Cotabato City nitong Lunes ng umaga ng mga regional official ng Comelec sa BARMM at ng kanilang nakatataas na si Chairman George Erwin Garcia na isinailalim din sa direktang kontrol ng komisyon ang bayan ng Maluso sa Basilan dahil sa mga karahasang may kaugna-yan sa halalan.
Tatlo ang naiulat na nasawi at 15 ang nasugatan sa insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng mga supporter ng dalawang magkalabang political party sa Cotabato City madaling-araw ng Setyembre 14, ilang oras bago ang unang BARMM Parliamentary Election.
Kinilala ang tatlong nasawi na sina Caril Abdul Lumidsog, ang kanyang kapatid na si Bain, at Idar Kasan Andog na napatay ng mga armadong lalaki malapit sa Datu Usman Mampen Elementary School sa Barangay Bagua 2, Cotabato City, ilang sandali bago maghatinggabi ng Linggo.
Magkahiwalay na sinabi sa mga reporter nitong Lunes ng madaling araw ni Captain Steffie Salanguit, tagapagsa-lita ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at ni Colonel Jibin Bongcayao, direktor ng Cotabato City Police Office, na 15 pang residente ang nasugatan sa pamamaril.
Sinabi ni Bagua 2 Barangay Chairman Fahad Singh sa mga reporter na ang tatlong nasawi at ang 15 nagtamo ng tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ay kanyang mga kasamahan.
Ayon kay Singh, kasama ang mga volunteer community watchman, pupunta sila upang tingnan ang iniulat na presensya ng mga armadong lalaki malapit sa campus ng Datu Usman Mampen Elementary School sa Barangay Bagua 2 nang paputukan sila ng grupong armado ng mga assault rifle. Agad napatay ang magkapatid na Lumidsog at si Andog.
Dinala naman ng mga emergency responder sa iba’t- ibang ospital ang mga sugatang kasamahan ni Singh.
Naganap ang insidente da-lawang oras matapos ang isang malakas na pagsabog sa isang residential area sa Purok Amirol, Mother Barangay Kalanganan, Cotabato City, na ikinamatay ni Zainodin Sapal Macabuat.
Sinabi ng mga opisyal ng barangay na kumakalat sa mga nayon sa kanilang nasasakupan ang mga usap-usapan na posibleng namatay si Macabuat dahil sa aksidenteng pagsabog ng fragmentation grenade na dadalhin sana niya sa ibang lugar. Nagtamo siya ng malubhang sugat mula sa mga tipak ng granada sa kanyang katawan, sanhi ng kanyang pagkamatay.
Dalawang lalaki rin na kapwa iniuugnay sa isang partidong pulitikal ang namatay dahil sa mga tama ng bala na tinamo nila sa isang sagupaan madaling-araw ng Lunes sa Cotabato City Central Elementary School. Nasugatan din ang isa nilang kasamahan at isang pulis na naka-duty.
Tinamaan ng bala sa kanang binti ang pulis at kasalukuyang naka-confine sa ospital.
Sinabi ng mga tauhan ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga reporter na namatay ang dalawang lalaki sa ospital.
Magkatuwang na nagbantay sa lahat ng polling site sa Cotabato City ang mga police unit ng PRO-BAR at mga tauhan mula sa Regions 11 at 12, personnel ng 6th Marine Battalion ng 1st Marine Brigade ng Philippine Navy, at mga sundalo ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.
Samantala, naging maa-yos at mapayapa ang halalang parliamentaryo sa ka-lapit na mga bayan ng Sultan Kudarat at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte. (Mark Obleada)