Advertisers
NAKIPAGPULONG ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang miyembro ng United Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Committee sa Executive Secretary noong Huwebes upang talakayin ang mga hakbang ng pamahalaan para matulungan ang sektor ng transportasyon na apektado ng tumataas na presyo ng gasolina at operating costs.
Kabilang sa mga tinalakay ang panukalang fare adjustment para sa mga public utility vehicle (PUV).
Ayon sa DOTr, umaasa silang magkakaroon ng positibong desisyon kaugnay sa fare adjustment sa mga susunod na araw.
Bukod dito, napagkasunduan ding magsagawa ng panibagong round ng targeted assistance sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program para sa mga kwalipikadong transport operators at drivers.