Advertisers

Advertisers

Bam Aquino flinex tumbler ng SB19

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nagpaingay sa social media ang isang simpleng detalye tungkol kay Sen. Bam Aquino matapos mapansin ng ilang netizens ang paggamit niya ng tumbler na may koneksyon sa SB19.

Agad namang nagkaroon ng biruan at tanungan sa ilang fans kung isa rin bang A’TIN, o tagahanga ng SB19 ang senador.



May mga netizen na naniniwalang posibleng fan nga si Bam, lalo na’t para sa ilan, hindi naman basta-basta bumibili ng merchandise ng SB19 ang isang tao.

“I am a fan of SB19 pero di ako bumibili ng merch, para sa’kin ang bumibili ng merchs die-hard fan, so I can assume na Atin si Senator. And okay namang senador si Bam.”



May ilan namang nagpaalala na hindi dapat awtomatikong iugnay ang paggamit ng SB19 merchandise sa pagpili ng kandidato o sa pagiging mahusay na politiko.

“Excuse me di porket gumagamit ng tumbler ng sb19 ay A’tin na. At di porket A’tin ibig sabihin magaling na politiko. Maging matalino at mautak sa pagboto, maraming gagamit sa sb19 in the future dahil alam nilang malakas sa tao. I’ve nothing against Sen.Bam, pero pls lang. Wag na iassociate ang sb19 sa mga ganyan”



May netizen ding nagbigay ng sariling opinyon na maaaring bahagi lamang ito ng pagiging relatable ni Bam sa mga kabataan.

“Medyo may pag ka youth advocate kasi si SEN BAM. Kaya medyo sabay sa trend.”

May mga nagbanggit din ng mga artistang sinusuportahan umano ng senador, kabilang sina Maki, COJ at BINI, bilang patunay na hindi lamang SB19 ang napapansin niyang mga bagong artista.

Samantala, may mga A’TIN ding nagsabing hindi naman nila nakikitang masama kung supporter ng SB19 si Bam.

“Support naman sya sa boys dati pa. Pero I don’t think na binili nya yan. Malamang bigay lang sa kanya yan at syempre ginagamit nya kesa naman bumili pa sya ng tumbler na iba. Edi gamitin ang bigay.”

May isa pang komento na diretsahang pabirong nagsabi: “Lowkey flexing si Sen Bam!”

Gayunman, kapansin-pansin na hati ang reaksiyon ng netizens—may natuwa sa posibilidad na supporter ng SB19 ang senador, habang may iba namang nagpaalala sa fandom na huwag gawing basehan ang isang tumbler o anumang celebrity connection sa pagpili ng iboboto.

Sa huli, tila ang simpleng tumbler lang naman ang nagpasimula ng usapan—pero dahil SB19 ito, mabilis na naging usap-usapan sa ilang A’TIN.