Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
Dalawang demo songs pala ang ipinadala ni Maestro Vehnee Saturno kay Benedict Vinluan para mamili kung ano ang gusto niyang maging debut single niya under Vhenee Saturno Music.
Ang napili ng binata ay ang Sa Gitna Ng Ulan. Ipinaliwanag niya kung bakit ito ang mas nagustuhan niya.
“Napili ko nga po ‘tong song na ‘to, Sa Gitna ng Ulan.
“Actually, nu’ng time po na sinend ni Sir Vehnee ‘yung songs, dalawa po silang maganda.
“Kaya nga po sabi niya, natagalan akong mamili. Ang hirap po kasi talagang mamili.
“Kaya ito po ang napili ko, kasi sobrang ganda po talaga ng song na kinompose niya. And I feel na bagay po sa range ng boses ko.
“At hindi naman po intention na dahil sa weather, na laging umuulan. Nagkataon lang po,”sabi ni Benedict.
Nagpapasalamat si Benedict sa pamilya niya, na dahil sa mga ito ay natupad ang pangarap niyang maging isang recording artist.
“Nagpapasalamat po ako sa family ko kasi nakikita ko ‘yung hardwork nila, sacrifices po nila sa para sa akin para masuportahan kung ano ‘yung pangarap ko, kung ano po ‘yung gusto ko sa buhay ko,”
Pinasalamatan din ni Benedict si Maestro Vehnee and his wife Ladine Roxas at ang kanyang manager na si Charles.
Gwapo si Benedict, pwede rin niyang pasukin ang pag-aartista. Pero ayon sa kanya, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin, o mag-focus sa kanyang singing career.
“Actually, naka-focus po ako ngayon sa music.
“And kung magpo-focus pa po ako sa iba, baka mawalan na po ako ng time sa pag-aaral ko.
“One of my dreams po kasi, ay makapagtapos ng pag-aaral.”
Si Benedict ay kumukuha ng kursong nursing.