Advertisers

Advertisers

TEAM nakipagtulungan kay Kuya Daniel Razon para sa Medical Mission

0 2

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAGSAGAWA ng courtesy meeting kast Tuesday ang mga opisyal ng The Entertainment Arts & Media (TEAM), sa pangunguna ng kanilang pangulong si Noel Orsal, sa opisina ni Kuya Daniel Razon upang paghandaan at plantsahin ang mga detalye ng nalalapit na medical mission na isasagawa ng TEAM.

Pangunahing layunin ng naturang meeting ay palakasin ang suporta para sa mga artista at media workers sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kalusugan at serbisyo sa komunidad.



Mainit na tinanggap ni Kuya Daniel ang delegasyon ng TEAM at ipinahayag ang kanyang pagpapahalaga sa adbokasiya ng organisasyon. Bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagtutok sa public service, nagpahayag siya ng kanyang kahandaang suportahan ang TEAM at ang mga miyembro nito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan para sa isang medical mission na naglalayong maghatid ng mas accessible na serbisyong pangkalusugan sa mga nasa entertainment at media industry.

Sa pangunguna ni President Orsal, layunin ng medical mission na makapagbigay ng libreng medical consultation, health services, at health education para sa mga miyembro ng TEAM at kanilang mga pamilya.



Ipinapakita ng partnership na ito ang iisang hangarin ng TEAM at ni Kuya Daniel na makatulong at makapaglingkod, lalo na sa mga manggagawa sa entertainment at media industry na nangangailangan ng higit na suporta para sa kanilang kalusugan at kapakanan.

Sa commitment ni Kuya Daniel at sa pamumuno ni President Orsal, nakatakdang isakatuparan ng TEAM ang makabuluhang proyektong ito sa mga susunod na linggo. Ang iba pang detalye tungkol sa medical mission ay ipaaalam sa lalong madaling panahon, bilang panibagong hakbang ng TEAM sa kanilang misyon na alagaan, suportahan, at itaguyod ang kapakanan ng kanilang lumalaking grupo sa industriya.



Ang target date nito ay Nov. 2026, at ang possible venue ay ang MCGI Locale of Bagong Barrio, 8F PPI Bldg. 355 EDSA, Bagong Barrio Caloocan.

Si Kuya Daniel ay napapanood sa morning show na “Good Morning Kuya,” 6:30 – 9 am, Monday to Friday sa UNTV.

-30-