Advertisers

Advertisers

DPWH tiniyak sisilipin lahat ng ghost flood control projects

0 19

Advertisers

MARIING iginiit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na wala silang sasantuhin pagdating sa imbestigasyon sa mga iniulat na ghost projects, kabilang ang mga flood control project sa Taguig.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) sa beripikasyon ng mga proyektong may iniulat na iregularidad.

Sinabi ni Dizon na hindi lamang Taguig ang sinusuri ng DPWH dahil may iba pang lugar na iniulat na may umano’y ghost flood control projects.



Patuloy din ang validation sa mga proyektong iniugnay sa mag-asawang Discaya sa Taguig.

Kinumpirma ni Dizon na may nakitang iregularidad matapos matuklasang maling na-geotag sa Leyte ang billing photo ng isang proyekto.
Klinaro naman ni Dizon ang dati niyang pahayag na walang ghost flood control project sa Taguig. Aniya, sinabi niya ito dahil noong panahong iyon ay wala pa silang conclusive finding o natutukoy na ghost project sa lungsod.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">