Advertisers

Advertisers

Supreme Court ibinasura mga petisyon vs bagong voting threshold sa Impeachment Court

0 17

Advertisers

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang mga petisyon nina Atty. Vic Rodriguez, Berteni Cataluña Causing at Atty. Ernesto Francisco Jr. kontra sa bagong ‘voting threshold’ ng Senate Impeachment Court.

Kapwa nila kinuwestyon ang naging interpretasyon ng Senado sa kinakailangan ‘two-thirds vote’ para magkaroon ng ‘conviction’ sa isang ‘impeachment case’.

Noong Setyembre 23, napagkasunduan ng Senado na tanging mga ‘legally’ at ‘actually able to participate’ ng mga pagdinig ang nararapat makaboto.



Ngunit ipinapawalang bisa ito nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at Atty. Ernesto Francisco sa Kataas-taasang Hukuman.

Habang giit ni Berteni Cataluña Causing na dapat mabilang pa rin sa botohan ang ibang mga senador kahit pa nagtatago, nakadetine o may medikal na pangangailangan.



Subalit ibinasura lamang ng SC ang magkakahiwalay na petisyon, at sinabing walang sapat na ‘standing’ at ‘premature’ ang mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">