Advertisers
Inihayag ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na tumanggap umano si Bise Presidente Sara Duterte ng P150 milyon mula sa Embahada ng Tsina sa pamamagitan ng kanyang pundasyong Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines.
Ayon pa kay Trillanes, nakatanggap naman ang asawa ni Duterte na si Atty. Mans Carpio ng humigit-kumulang P319 milyon mula sa Beijing sa pamamagitan ng isang pribadong kumpanya. Kabuuan ng inilahad na pondo ay umabot sa halos P469 milyon.
Kasama sa lupon ng tagapangasiwa ng nasabing pundasyon si Taguig City Mayor Maria Laarni Cayetano.
Habang wala pang reaksyon hinggil sa isyu ang kampo ni Vice President Sara Duterte at embahada ng tsina.
Nanatili namang alegasyon ang mga paratang ni Trillanes hangga’t hindi napatutunayan sa hukuman. (Edwin Moreno)