Advertisers
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel ng kalakalan sa pagpapalago ng ekonomiya, sa kanyang pagharap sa 24th Forbes Global CEO Conference sa Singapore.
Ginamit ng Pangulo bilang halimbawa ang Japan, na bagama’t maliit ang bilang ng mga manggagawa ay nakapagtayo ng matatag na ekonomiya. Binanggit din niya ang China, na naging pangunahing sentro ng pagmamanupaktura sa mundo.
Ayon kay Marcos, ipinakikita ng karanasan ng mga bansang ito kung paano nakatutulong ang kalakalan sa pagpapalawak ng merkado at paglikha ng mga oportunidad sa ekonomiya.
Dahil dito, dapat aniyang patuloy na itaguyod ng Pilipinas ang kalakalan sa pamamagitan ng mga kasunduan, negosasyon at iba pang hakbang na makapagpapalakas sa ugnayang pang-ekonomiya.
Naniniwala ang Pangulo na mahalagang mapakinabangan ng bansa ang mga oportunidad sa kalakalan upang mapalago ang ekonomiya at mapalawak ang mga pamilihan para sa mga produkto nito. (Gilbert Perdez)