Advertisers

Advertisers

Prosecution, itinangging political persecution ang impeachment trial vs VP Sara

0 20

Advertisers

MARIING itinanggi ng House prosecution panel na political persecution ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Tugon ito ng prosecution sa naging pahayag ni VP Sara sa isang press conference nitong Lunes, Oktubre 12.

Pahayag ni House prosecution spokesperson Robert Ace Barbers, nakabatay ang kaso sa mga dokumento ng pamahalaan at bangko, pati sa testimonya ng mga saksi.



Para naman kay Manila Rep. Joel Chua na kailangang sagutin ni VP Sara ang mga alegasyon laban sa kanya, kabilang ang umano’y maling paggamit ng confidential funds at pagbabanta kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Hinimok naman ni Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. ang depensa na magbigay ng malinaw na paliwanag tungkol sa mga tanong kaugnay sa pananalapi ni VP Sara Duterte.



Habang nanindigan naman si Atty. Cabrera sa kanyang ulat, bagaman kinuwestiyon ng depensa ang kanyang paraan ng pagsusuri at ang mga dokumentong ginamit.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">