Advertisers
IPINA-DEPORT na ng Bureau of Immigration (BI) ang 115 Chinese nationals na umano’y sangkot sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na nasalakay ng mga awtoridad sa Zambuanga Sibugay at Quezon City nitong nakaraang Oktubre.
Mula sa 115 na inaresto, 53 sa mga ito ay mula sa POGO hub na sinalakay sa Cubao, Quezon City, habang ang nalalabing 62 naman ay mula sa Zamboanga Sibugay.
Ang mga nasabing Chinese nationals naman ay nakatakdang lumipad pabalik ng China lulan ng China Southern Airlines flight CZ5308.