Advertisers
TAHASANG tinawag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na manhid ang China sa mga diplomatikong pahayag matapos muling kuwestiyunin ng Beijing ang makasaysayang batayan ng Pilipinas sa pag-aangkin sa Batanes Islands.
Kasunod ito sa pahayag ng Pilipinas na hindi pag-aari ng China ang Batanes Island.
Sinabi pa ni Teodoro na hindi nakikinig ang China kahit na anuman ang panawagan dito dahil sila ay manhid na.
Dahil dito ay nanawagan na lamang si Teodoro sa mga Filipino na huwag makinig sa mga maling naratibo na ipinaparating ng China.
Nanawagan din ang opisyal sa mamamayan na dapat ay tuloy-tuloy ang pagsuporta sa mga sundalo na nagtatanggol sa interest ng bansa.