Advertisers
Ni Nonie Nicasio
PROUD ang magandang aktres na si Robb Guinto sa kanilang pelikulang “Desperada” na pinamahalaan ng batikang si Direk Louie Ignacio.
Kamakailan ay na-screen ang Desperada sa NETPAC Section ng Asian Film Festival Barcelona.
Kuwento niya sa amin, “Iyong Desperada po, na-screen na last October 29 sa Asian Film Festival Barcelona under the NETPAC Section. Wala pa po akong ibang updates sa ngayon, pero super-happy and grateful ako na nakarating yung film namin sa international film festival.
“Bukod sa sobrang happy, proud po talaga ako! Nakakatuwa at sobrang thankful ako na nabigyan ng ganitong opportunity yung movie namin. Proud din ako sa buong team ng Desperada.”
Markado ang ginampanang papel ni Robb dito bilang isang babaeng lumaki sa pang-aabuso at pinilit na ibenta ng sariling ama hanggang sa nawala siya sa sarili.
Ito ba ang most memorable movie niya o may iba?
Tugon ni Robb, “Isa talaga siya sa mga memorable movies ko. Pero para sa akin, lahat naman ng movies na nagawa ko may kanya-kanyang memories at experiences.
“Lahat may natutunan ako, kaya mahirap din pumili ng isa lang na movie talaga.”
Wish niya bang makagawa ulit ng ganitong klaseng movie na may impact at makabuluhan?
“Oo naman po! Gusto ko rin talagang gumawa ng mga pelikulang may magandang story at may message sa mga manonood. Gusto ko rin na mas ma-explore pa yung ibang side ko as an actress.”
Ano’ng pinagkakaabalahan niya ngayon na project o business?
“Mayroon pong mga pinag-uusapang projects ngayon, pero ayaw ko munang magbigay ng details hangga’t hindi pa final. Basta excited ako sa mga susunod na projects ko.”
Dagdag pa ni Robb, “Busy pa rin naman po ako sa mga endorsements, appearances, content creation, at iba pang projects.
“Tapos mayroon din akong business ngayon na currently under construction. Pero ayaw ko munang i-disclose kung ano ‘yun, kasi gusto ko surprise muna! Hahaha!” Nakatawang wika pa ng sexy actress.