Advertisers

Advertisers

Javier, bagong PH Navy chief

0 65

Advertisers

PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vice Admiral Alan Madrid Javier bilang ika-42 Flag Officer in Command ng Philippine Navy.

Pinangunahan ng Pangulo ang Change of Command Ceremony sa Headquarters Philippine Navy, Naval Station Jose Andrada sa Maynila.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Marcos ang 38 taong karanasan ni Javier sa serbisyo militar, mula nang maging kadete noong 1988 hanggang sa pag-angat nito sa iba’t ibang ranggo sa Philippine Navy.



Ayon sa Pangulo, magiging mahalaga ang malawak na karanasan ni Javier sa logistics sa pagpapanatili ng kahandaan at maayos na operasyon ng lumalaking bilang ng mga barko ng Philippine Navy.

Inatasan din niya ang bagong Navy chief na ipagpatuloy ang pagpapalakas sa kakayahan ng hukbong-dagat na ipagtanggol ang teritoryo at pangalagaan ang karapatan ng bansa sa karagatan.



Hinimok din ni Marcos si Javier na palalimin ang pakikipagtulungan sa mga kaalyado at kaibigang bansa at patuloy na bigyang-pansin ang kapakanan ng mga marinero at marino ng Philippine Navy. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">