Advertisers

Advertisers

Utak sa Degamo slay posibleng dating sundalo – JTF

0 188

Advertisers

NANINIWALA si Joint Task Force Negros spokesperson Major Cenon Pancito III na posibleng dating sundalo ang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“We believe so. Based on the description, based on the training, there is [some] reason for us to believe that he is a former member of the Philippine Army,” ani Pancito sa panayam ng ANC nitong Lunes, Marso 13.

Aniya, mayroon nang anim na salarin ang naaresto na may kaugnayan sa pagpatay, habang apat ang patuloy pang pinaghahanap.



Sinabi pa ni Pancito malinaw na “these 10 are not just operating on their own.”

“They have tentacles of violence. They have support systems that we also have to look into,” dagdag pa niya.



Sa imbestigasyon, lumalabas na ang mastermind ay “someone big, someone powerful.”

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tinitingnan ng ahensya ang nasa tatlo hanggang apat na mastermind na nagplano sa pagpatay kay Degamo.



Ani Pancito, walang pangalang ibinigay ang mga suspek na utak ng pagpatay, sa kabila na sa kasalukuyan ay iniimbestigahan narin ng special investigation task group ang kaugnayan ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dito.

“There were links of people, [but] it has to pass through several levels. We have to investigate the different levels, so we can really get through who really instructed it,” sinabi pa ni Pancito.

Naniniwala rin si Pancito na nasa Negros Oriental parin ang mga nakatakas na salarin kung kaya’t nagpakalat pa sila ng dagdag na pwersa lalo na sa mga pantalan ng probinsya.

Matatandaan na noong Marso 4 pinagbabaril-patay si Degamo at walong iba pa ng mga armadong kalalakihan sa harap ng bahay nito sa Pamplona, Negros Oriental.