Advertisers
Umaabot sa P1.4 bilyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Sulu.
Unang ini-report ang nasabing warehouse sa Intelligence Group ng BOC kung saan nagtatago ito ng libo-libong smuggled na sigarilyo.
Kaugnay nito, agad na naglabas ng Letter of Authority na pirmado ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio kaya’t isinailalim sa inspeksyon ang warehouse.
Nakumpiska ang nasa 18,533 kahin ng mga imported na sigarilyo na kinabibilangan ng Bravo, New Far, BPBM, Billionaire, Cannon, Souvenir, Astro, Wilcon, New D’ Premier, B&E Ice at Fort.g ng bansa.(Jocelyn Domenden)