Advertisers
Patay ang isang minero na nabagsakan ng malaking bato habang naghuhukay sa loob ng minahan sa bayan ng Aroroy, Masbate.
Sa ulat, nagtulong-tulong ang mga residente upang mailabas ang mga labi ng biktima na si Ricky Ramilo mula sa minahan na may lalim na halos 40 talampakan.
Ayon sa pinsan ni Ramilo, nabagsakan ng malaking bato ang biktima habang naghuhukay.
“Tinulungan ko pa siya, kaso hindi ko kinaya. Umakyat ako upang manghingi ng tulong,” pahayag ni Sonny Rico, pinsan ng biktima.
“Gusto ko sanang matulungan kami kasi ang gusto niya mapaayos namin ang bahay namin,” pahayag ni Felipa Verno, ina ni Ramilo.
Ipnagbabawal ng barangay ang pagpasok sa minahan nang mapag-alamang iligal ang operasyon nito.