Advertisers

Advertisers

4 Tulak arestado sa Valenzuela

0 220

Advertisers

KULONG ang apat na tulak ng illegal na droga nang makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy busy operation ng Valenzuela PNP.

Sa report ni PMAJ Dennis Odtuhan, hepe ng District Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Northern Police District (NPD) kay NPD Director PBGen Ponce Rogelio Penones Jr., 2:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng buy bust operation sa 97 Diamond St., Sta Lucia, Phase 5, Brgy. Punturin, Valenzuela City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Perlito Cuizon Jr, alyas “Bok”, 40; at Gerald Maque alyas “Master”, 43, nang bentahan ng P2,500 halaga ng shabu ang isang poseur buyer .



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng shabu na may standard drug price value P204,000.00, buy bust money at cellphone.

Sa panayam kay Valenzuela Chief of Police Col. Salvador Destura, natimbog naman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police sa pangunguna ni PCpt Joel Madregalejo sa buy bust operation sa Corinthian School, Brgy. Gen T De Leon, 10:15 ng umaga si Audrei Rabino alyas “Uding”, 20 ng Caloocan City.



Nasa 10 grams ng shabu na may standard drug price P68,000, P500 marked money, coin purse at cellphone ang nakumpiska.

Dagdag pa ni Col. Destura, sa Brgy. Paso De Blas, nasamsam naman ng kabilang team ng SDEU sa isa pang tulak na si Renz Daryl Rodriguez, 31 ng Caloocan City ang 10 grams ng shabu na nasa P68,000 ang halaga at buy bust money matapos madakma sa buy bust operation sa West Service Road 4:00 ng madaling araw.



Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)