Advertisers

Advertisers

OVERSTAYING CHINESE, DINAKIP SA PEKENG DOKUMENTO

0 160

Advertisers

Isang Chinese national ang dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) nang magtangkang umalis ng bansa gamit ang mga pekeng dokumento.

Ipinarating ni Dennis Alcedo, Border Control and Intelligence Unit (BCIU) chief sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang impormasyon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco kung saan kinilala ang inarestong dayuhan na si Ning Haochao, 24-anyos.

Nabatid na noong nakalipas na Marso 24 ay naharang ang nasabing dayuhan sa NAIA terminal 3 bago pa makasakay sa Cebu Pacific flight patungong Xiamen, China.



Base sa ulat, nang dumaan sa immigration counter si Ning ay napansin na peke ang isinumite nitong emigration clearance certificate (ECC) at natuklasan din na ang nasabing dayuhan ay nakatala sa blacklist ng BI dahil sa pagiging overstaying.

“Let this serve as a warning to overstaying aliens. Do not use spurious immigration documents because such trick will not go undetected by our officers at the airport,” ani Tansingco.



Kasalukuyang naka-detine sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Ning habang inihahanda ang pagpapa-deport sa kanya.

Ayon sa BI chief, hindi na makakabalik ng Pilipinas si Ning dahil sa ilalagay ito sa blacklist order ng bureau. (JERRY TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">