Advertisers

Advertisers

Kahit naayos na ang gusot…Maine magbababu rin sa Eat Bulaga; Jodi nakatikim sa Higop King na si Joshua

0 210

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TALIWAS sa unang napabalita noon na ang TVJ or sina Tito Vic at Joey ang mawawala sa Eat Bulaga.
Nagkaayos na nga raw ang mga ehekutibo kaya balik hosting sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa longest running noontime show.
Kaya patuloy na mapapanood ang TVJ at ilan pang mga co-host nila.
Pero sa balitang TVJ ang mawawala ay diretso pa rin silang mawa-watch sa Eat Bulaga.
Isa sa main host ang magbababu na sa Bulaga.
Noon pa naman ay inianunsiyo at naghahanda na si Maine Mendoza sa preparasyon para sa kasal nito kay Cong. Arjo Atayde.
Nag last taping na rin nga ang Daddy’s Girl kaya ready na si Maine na maging Mrs. Atayde.
Ibalato na nga lang daw kay Maine ang pag walk nito sa aisle at magsabi ng “I do” sa pinakakamahal na fiance.
Besides, doon pa rin naman ang tungo nina Maine at Arjo, sa pagbuo ng sariling pamilya.
Sad naman ang fans ni Maine pero sinuportahan na rin ang kanilang idolo kung saan ito maligaya ay go go go ika nga nila.
***
MUKHANG pinangatawanan na ni Joshua Garcia ang bansag sa kanya na Higop King na mismong ang unang nakapanood sa paghigop nito kay Janella Salvador sa Darna ay gulantang ang netizens.
At sa pangalawang pagkakataon ay naging consistent si Joshua sa pagiging Higop King.
Expected nga ng netizens na di na mauulit ang kontrobersyal na pakikipaglaplapan ni Joshua kay Janella noon.
Sa latest project ni Joshua sa collab ng GMA at ABS-CBN ay muling ipinamalas ng Kapamilya actor ang kanyang pagiging Higop King.
Hindi nga nakaligtas si Jodi Sta.Maria sa paghigop ng Higop King sa kanilang laplapan sa eksena.
Mukha nga raw nag-enjoy si Jodi sa pakikipaglaplapan kay Joshua sey pa ng netizens dahil feel nito ang lips to lips sa actor.
May-December ang tema ng pagtatambalan nina Joshua at Jodi kasama ang Kapuso stars na sina Richard Yap at Gabbi Garcia.
Well, well, well…’Yun na!