Pag-asa para sa mga cancer at dialysis patients – Mayora Honey
Advertisers
MAY pagasa para sa mga pasyente ng cancer at dialysis.
Ito ang pahayag ng spokesperson ni Manila Mayor Honey Lacuna na si Atty. Princess Abante at sinabing may dalang pagasa ang lady mayor sa mga residente na nagtataglay ng nasabing sakit nang magsagawa ito ng kanyang regular na ‘door-to-door doktora’ program bilang bahagi ng kanyang ‘Kalinga sa Maynila’ fora na ginagawa sa mga barangay.
Para sa alkalde, ang mga ngiti at luha ng kaligayahan na nagmumula sa mga pasyente na kanyang dinadaluhan lalo na ang mga bedridden at mga senior citizens ay walang katumbas na kabayaran.
Idinagdag pa ni Abante na sa pamamagitan ng nasabing programa kung saan dinadalaw ni Lacuna ang maximum na 10 kataong maysakit kung saang barangay ginawa ang forum, ang alkalde ay nagagawang makilala ng personal ang mga pasyente at malaman ang kanilang pangangailangan at kailangan upang matugunan.
“No amount of smear campaign will discourage the mayor from continuing what she had been doing. The fact that there are attempts to dissuade the mayor from pushing through with her programs only goes to prove that we are doing the right thing,” giit ni Abante.
Binigyang diin pa nito na ang mga residente na dinalaw ni Lacuna ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat at utang na loob sa pamahalaang lungsod, na kinakatawan ng alkalde na totoong nagmamalasakit sa mga maysakit at nagkakaloob ng pag-asa sa mga maysakit.
Matatandaan na una ng pinamunuan ni Lacuna social welfare department ng Manila City Hall at ito ang dahilan kung kung bakit bihasa sa lahat ng pangangailangan ng bawat sektor sa Maynila, lalo na ang mga tinatawag na less-privileged, sabi pa ni Abante. (ANDI GARCIA)