Advertisers
Nadakip ang isa sa most wanted na sangkot sa kasong attempted rape sa Baliwag City sa Brgy, Pagala, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Lester Santos 28 anyos residente ng Brgy. Sabang, Bulacan.
Nabatid na nagmula ang warrant sa Branch 85 ng Malolos Regional Trial Court sa kasong attempted rape.
Habang nadakip na rin ang apat pa na mga wanted sa batas sa iba’t-ibang mga kaso kabilang dito ang Cyberlibel, Acts of Lasciviousness, Special Protection of Children against Child Abuse (RA 7610).
Nadakip rin ang mga drug peddlers via buy-bust operation sa bayan ng Pandi kung saan nakumpiska ang 7 sachet ng marijuana at drug paraphernalias.(Thony D. Arcenal)