Advertisers

Advertisers

2 Tulak ng shabu sa mga estudyante arestado

0 114

Advertisers

Arestado ang dalawang lalaking nagbebenta ng shabu sa labas ng mga paaralan sa Zamboanga City Lunes ng gabi.

Ayon sa hiwalay na pahayag nitong Martes ng Zamboanga City Police Office at Regional Police Office-9, hindi bababa sa P102,000 ang halaga ng shabu na nakumpiska sa mga magkasabwat na sina Aldimar Nieto Alawi, 27 anyos; at Rashid Mela Arabani, 39 anyos.

Kinumpirma ng mga opisyal ng lokal na pulisya, mga namumuno ng iba’t-ibang barangay government at mga nakakakilala sa dalawa na nagbebenta sila ng shabu sa ilang lugar na malapit sa mga school campus sa Zamboanga City.



Na-entrap ang parehong mga Tausug na sina Alawi at Arabani 9:00 ng gabi nitong Lunes sa Xanadu Village sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City ng mga magkasanib na mga operatiba ng Zamboanga City PO at ng PRO-9.

Agad na inaresto ang dalawa kasunod ng kanilang pagbenta ng shabu sa mga hindi unipormadong mga pulis na nagpanggap na mga sugapa sa pinagbabawal na droga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">