Advertisers

Advertisers

SIM CARD REGISTRATION EXTENDED NG 90 DAYS!

0 134

Advertisers

ANG SIM card registration period ay extended ng 90 days.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla habang nasa Inter-Agency Task Force meeting hinggil sa oil spill sa Mindoro.

Ginawa niya ang pahayag pagkatapos ng sectoral meeting kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes sa Malacañang.



“There’s a 90-day extension,” sabi ni Remulla patungkol sa SIM card registration.

Ang deadline ay nakatakda ngayong April 26, pero nagdesisyon ang mga awtoridad na palawigin ito dahil sa mababang registration turnout.



Nauna nang inanunsyo ng DICT na palalawigin nito ang registration deadline pagkatapos ng April 26, bagay na sinuportahan naman ng mga senador.

Si Remulla ay kabilang sa mga opisyal na nasa sectoral meeting na pinamunuan ni Presidente Marcos, kungsaan tinalakay kung palalawigin pa ang SIM card registration.



Si Department of Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy ay present din sa miting. (Vanz Fernandez)