Advertisers
Ni JOVI LLOZA
LOVELIER the second time around ang magdyowa na Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.
Hindi ikinahiya ng celebrity couple nang ipost nila ang pagdiriwang ng kanilang monthsary.
Kung ang ibang couple ay out of the country para iselebreyt ang kanilang monthsary, ibahin ang couple na Rabiya at Jeric na ipinangalandakan ang kanilang pagdiriwang sa isang karinderya.
Napagpasiyahan nila na iselebreyt ang kanilang monthsary sa isang karinderya sa España, Manila at pagmamalaki pa ni Rabiya na wala pang P200 ang kanilang nagastos na umabot lang sa P177.
***
SA pag-amin ni Paolo Contis sa relasyon nila ni Yen Santos ay nagdesisyon ito na gusto nilang maging pribado ang kanilang love affair.
Ayaw na muna magbigay ng pahayag ni Paolo regarding sa kanilang dalawa ni Yen.
Napaling ang tanong sa ex relationship nito na si LJ Reyes na inamin ng aktor na may nagawa siya talagang mali.
Pero paglilinaw ni Paolo na marami pa raw di alam ang tao at ito’y personal.
Halos dalawang taon na ring naninirahan sa New York si LJ kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer.
Sa pag-amin ni Paolo, grabeng miss na raw nito si Summer.
At kung mabibigyan nga raw ng tsansa na madalaw ang kanyang anak at makakapag-usap man sila ay through a lawyer, sey pa ni Paolo.
Ang wish lang daw nito ay makita at mayakap ang anak na si Summer.
Hindi na nga nagbigay or nagbahagi ito tungkol kay Yen at talagang pinangatawanan na nito na maging pribado ang kanyang lovelife.
Well, well, well…’Yun na!