Advertisers

Advertisers

Ashley manhid na, sanay na masugatan

0 244

Advertisers

Ni NOEL ASIÑAS

NAPANOOD ang husay ni Ashley Ortega sa figure skating via #HeartsOnIce, dugo pawis at budget ang puhunan para ma-achieve ang galing.
Nakikita ng mga tagasubaybay ng Hearts On Ice ang husay sa figure skating ni Sparkle Star Ashley, na first solo lead role ng actress ang sport serye ng Kapuso Network. Leading man niya ang versatile Kapuso actor na si Xian Lim.
Ani Ashley: “Bukod sa pag-arte on screen, hilig ko rin bata pa ako (at age 4) ang figure skating. Natutuwa ako noon pa sa mga nagpe-perform gamit ang ice skating rink. Salamat sa support ng parents ko, natupad ko ang goal na naging medallist ako sa figure skating at age of 6. Sumali sa international competition tulad sa Thailand, Malaysia, Indonesia, Japan at China.
“Sariling gastos ng magulang ko, lalo na mother ko, na laging umaalalay sa akin kahit saan magpunta. Libu-libo gastos sa pag-compete sa abroad. May coach na kasama lagi. Gamit na ubod ng mahal noon pa.
“Masakit pa rito, madalas akong lumalagapak sa ice na nagbubunga ng madugong sugat. Parang sanay na akong masugatan sa bawat tournament kong sinasalihan.
“Pero, bawat gintong medalya kong nakakamit para sa competition, nakakawalang sakit sa sugat, pati sa pagod.”
Sa pag- aalalay at tulong ni Enzo (role ni Xian) sa seryeng Hearts On Ice, matupad na kaya ni Ashley ang tagumpay sa figure skating? Matalo na kaya niya ang mga mahigpit na kalaban?
***
DIRECTOR MarkReyes: Mismong siya ang pumili sa iba’t ibang characters ng Voltes V: Legacy. Bawat character na ginagampanan ng artista ay handpicked niya dahil katwiran niya’y karapat-dapat ang actor sa character. May nakita siyang katangian ng artista na dapat gumanap.