Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA mga interview noon ni Dingdong Dantes ay lagi siyang natatanong kung may plano ba siyang pasukin ang pulitika. Kilala rin kasi ang aktor bilang isang philantrophist.
Sa guesting ni Dingdong sa Fast Talk With Boy Abunda, napag-usapan din dito ang tungkol sa pagpasok niya sa pulitika.
Tanong sa kanya ni Kuya Boy Abunda, laging may usapan na papasok si Dong sa pulitika, pero hindi naman natutuloy. What is your story?”
Sabi ni Dingdong,”We recognize na iba-iba naman ang paraan natin ng pagpapakita nito.
“Ako, gusto ko po aminin na may panahon na I really thought na sana may [opportunity] for me to do more for the Filipino people over and beyond my work here in the industry.”
Alam daw ni Dingdong na malaking responsibilidad ang pagiging isang public servant, kaya’t hindi pa siya dumarating sa punto na desidido siyang pasukin ito.
“Never umabot pa sa punto na sinabi kong, ‘Sige, gagawin ko to.’
“It’s because I have high regards for public office, especially kapag sinabing public office, ibig sabihin, ayun dapat ang topmost priority.
“With that recognition, alam ko na hindi siya ganun kadali.
“I recognize that it’s not that easy, it will require much of your time, energy, love, your passion, yourself.
“It takes much sacrifice para ma-achieve yan.”
Nais daw ni Dingdong na ituon ngayon ang atensiyon sa kanyang pamilya lalo’t higit sa dalawa niyang anak na sina Zia at Sixto.
“Isang bagay ang malinaw sa akin ngayon, that I have multiple roles to fulfill—literally and figuratively.
“Because I want to be the best father to my children, I want to be the best husband to Marian (Rivera), be a good son, and responsible member of this beautiful industry, while striving to be a good citizen every day,” aniya pa.
***
TIANA KOCHER DI PA READY SUMALI SA AMERICA’S GOT TALENT
SA pakikipag-usap namin sa Filipina R&B singer na si Tiana Kocher, sinabi niya na inalok siya ng America’s Got Talent na mag-audition sa show, matapos mapanood ng AGT team ang kanyang music video.
Ngunit tinanggihan ito ni Tiana dahil feeling niya ay hindi pa siya handang sumabak sa nasabing American reality talent show.
Hindi naman daw niya tuluyang isinasara ang posibilidad na sumali sa AGT, ngunit sa ngayon nais muna niyang mag-focus sa kanyang music career sa Amerika.
Natanong din ang singer-songwriter kung ano ang magiging reaksyon niya kapag ikinumpara siya sa mga pinsan niyang sina Cris Villonco at Rafa Siguion-Reyna.
“It’s a given, well, I actually respect na they love what they do. I think it’s very different genres but I can also learn a lot from them,” sagot ni Tiana.
Sa mga hindi nakakaalam, si Tiana ay anak ni Katrina Ponce Enrile, at lolo niya ang dating senador na si Juan Ponce Enrile. Lola rin niya ang yumaong veteran actress-singer na si Armida Siguion Reyna.