Advertisers

Advertisers

Single ticketing system simula na sa May 2 – Mayora Honey

0 154

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na handang-handa na ang implementasyon ng single ticketing system na nakatakdang magsimula sa May 2, 2023.

Inatasan ni Lacuna si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) head Zenaida Viaje na tiyakin na ang mga kawani ng MTPB ay pamilyar na sa ganitong sistema.

Nabatid pa sa alkalde na maging ang Manila City Council ay nagpasa na ng ordinansa na kailangan sa pag-a-adopt ng standardized na multa para sa mga identified common traffic violations at panibagong ordinansa naman para sa traffic-related na paglabag na hindi binaggit sa traffic code.



Ayon kay Lacuna ang Maynila ay isa sa pitong lungsod kung saan ang alkalde ay sumama sa ceremonial signing kamakailan ng resolusyon na nagbigay daan para sa pilot testing ng nasabing sistema sa kanikanilang hurisdiksyon.

Ang mga nasabing lungsod, ayon sa paliwanag ng alkalde ay dahil mayroon na itong mga umiiral na sistema, at idinagdag pa na habang ang mga nasabing pitong lungsod ang unang magpapatupad ng single ticketing system, ang iba pang lungsod naman ay tiyak na siyang susunod na magpapatupad.



Sinabi ni Lacuna na ang Maynila, tulad din ng anin na lungsod ay nag-adopt ng single ticketing system sa pamamagitan ng Metro Manila Traffic Code of 2023, na siyang nagbigay daan para sa system of interconnectivity sa mga government instrumentalities na involved sa transport and traffic management sa metropolis na may pareparehong multa at penalties.

Sa ilalim ng MMDA Resolution No. 23-02, ang single ticketing system ay magha-harmonize ng umiiral na national at lokal na batas sa traffic enforcement upang makapagtatag ng mas epektibong transport and traffic management sa Metro Manila.



Sinabi pa ng lady mayor na ang bagong sistema ay inaasahan na makakatulong sa pagtugon sa iba’t-ibang pamamaraan ng paghuli, pagbabayad ng multa, pagtubos ng lisensya at plaka at hindi magkakatugmang implementasyon ng batas trapiko na nagreresulta sa kalituhan ng driving public, pagkawala ng pera at pagkasayang ng mga productive hours.

Ang single ticketing, ayon kay Lacuna ay magdudulot kapanatagan sa mga nahuhuling motorista dahil maaari na silang magbayad ng kanilang traffic-related violations kahit saan at kahit saan mang lungsod sila nahuli
o naisyuhan ng ticket.

Idinagdag pa ng akalde na maliban sa maiiwasan na ang kalituhan sa mga motorista, mabibigyan pa sila ng option kung paano nila babayaran ang kanilang violations electronically. (ANDI GARCIA)