Advertisers
IPINAGMALAKI ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 73, 000 bakanteng trabaho ang magiging available sa mga job seekers sa idaraos job fair sa Labor Day sa Mayo 1.
Sinabi sa Laging Handa public briefing ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez na ang aktibidad ay gaganapin sa 42 sites sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Kabilang sa mga mag-aalok ng trabaho ay mula sa mga industriya ng BPO, financial at insurance, sales at marketing.
Ayon kay Benavidez, bukas din ito para sa mga production workers, service crew, at iba pa.
Maliban naman dito, mamamahagi rin ang pamahalaan ng 1.8 bilyong halaga ng financial assistance sa mga manggagawa.
Dagdag pa ng opisyal, maglalaan ang ahensya ng isang daang milyong piso para sa TUPAD program o emergency employment habang P50 milyong piso naman sa livelihood program para sa ilang benepisyaryo. (GILBERT PERDEZ)