Advertisers

Advertisers

Problema sa internet sa online learning tinutugunan ng DepEd

0 406

Advertisers

Nakikipag-usap na ang Department of Education sa Department of Information and Communications Technology, private internet providers at iba pang partners para sa mabilis na internet connectivity para sa distance online learning ngayong taon.
Sa Meet the Press-Report to the Nation Online Media Forum ng National Press Club, nitong Biyernes, sinabi ni Usec. Tonisito Umali na pinag-aaralan pa nila ang procurement lalo na’t may kasama itong bayad bagama’t hindi na dapat ang DepEd ang nagpo-provide ng internet connectivity ngunit kanila na umanong mina-maximize.
Sinabi ni Umali na ilan sa mga Facebook post na nagpapakita ng kanilang kahirapan sa internet connection ay hindi totoo, tulad ng mga guro na umakyat sa bubong para makakuha ng magandang connection.
Aniya ito ay ginawa lamang aniya nila symbolically upang magpakita ng isang mensahe pero may ibang mga lugar din na talagang mahirap ang internet connection.
Samantala, nanawagan din si Umali sa mga guro na mag-rely na lamang kong anong meron ngayon na ibinabahagi ng DepEd at ng school division at huwag nang mag-solicit para sa kanilang mga pangangailangan sa modules.
Aminado naman si Umali na kulang ang modules na kanilang naimprenta, ngunit may ilang lungsod na nag-allocate ng pondo para tulungan ang DepEd sa procurement at printing ng modules.