Advertisers

Advertisers

Sen. Estrada, umapela sa desisyon ng DOJ hinggil sa kaniyang kaso

0 4

Advertisers

DISMAYADO si Senador Jinggoy Ejercito Estrada kaugnay ng resolusyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa mga kasong inihain laban sa kanya.

Ayon kay Estrada, ito ay isang “hindi kanais-nais na pangyayari” at tinawag niyang hindi makatarungan, lalo’t malinaw na sinabi ng Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) na walang rekord na siya ay nagpasok ng anumang insertions sa pambansang badyet para sa 2025.

“This is an unfortunate development. I find this baffling and unjust, considering that the Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) categorically stated that there is no record showing that I introduced any insertions into the 2025 budget,” wika ni Estrada sa isang pahayag.



Binanggit din ni Estrada na mismong si Sen. Panfilo Lacson, chairperson ng Blue Ribbon Committee, ay kumilala sa naturang impormasyon bilang mahalagang bahagi sa mga isyung ibinabato laban sa kanya.

Idinagdag ng senador na naghain siya noong Mayo 15 ng omnibus motion upang muling buksan ang imbestigasyon ng kaugnay sa flood control scandal.



Layunin ng mosyon na maisama at mapag-aralan ang karagdagang ebidensya na makatutulong sa patas at obhetibong pagdedesisyon sa mga reklamo.

Giit ng senador, hinihingi ng due process at katarungan na isaalang-alang ang lahat ng kaugnay na ebidensya at opisyal na findings bago maglabas ng konklusyon.



Gayunman, tiniyak niyang mananatili siyang nakatuon sa pagharap sa mga alegasyon sa pamamagitan ng tamang legal na proseso, at naniniwala siyang sa huli ay mananaig ang katotohanan na suportado ng mga opisyal na rekord. (Mylene Alfonso)