Advertisers
MARIING iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na dapat maunang suspindehin si Senate President Alan Peter Cayetano bago siya kasunod sa nangyaring putukan sa senado kamakailan.
Naniniwala ang naturang direktor na si Senador Cayetano ang pangunahing nararapat masuspinde dahil sa naganap na insidente noong nakaraang linggo.
Kaugnay ang pahayag sa panawagan ng mambabatas patawan rin siya ng suspensyon matapos mag-isyu ang Office of the Ombudsman ng ‘preventive suspension’ kay Acting Senate Sergeant-at-arms Mao Aplasca.
Naglabas kasi ng suspensyon ang tanod-bayan kay Aplasca upang anila’y mapreserba ang mga posibleng hawak nitong ebidensya sa naganap na insidente ng putukan.
Gayunpaman, handa umano si Direktor Matibag na humarap sa imbestigasyon at anuman parusang maaring kaharapin kung mapatunayan responsable o may pananagutan.
Giit pa niya’y kung ‘command responsibility’ ang pagbabasehan, pinuno ng senado ang siyang dapat daw suspindehin.
Sa kabila nito’y ipinauubaya na lamang daw ni NBI Chief Matibag sa Department of Justice (DOJ) ang pag-iimbestiga sa mga pangyayari.
Partikular na kanyang binanggit ang binuong ‘Special Panel of Prosecutors’ ni Justice Secretary Frederick tututok sa naganap na putukan.
Habang mariin naman niyang pinabulaanan na ‘under attack’ ang Senado noong may naganap na insidente ng putukan.