Advertisers

Advertisers

Pulis huli sa karnap na sasakyan

0 382

Advertisers

ARESTADO ang isang pulis nang madakip ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) habang nagmamaneho ng karnap na sasakyan sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang nadakip na si PSMS Danilo Ragonot Pacurib, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Payatas Police Station 13, at residente ng No. 20-6B Antipolo St., Brgy. Krus na Ligas, Q.C.
Sa report ng Anti-Carnapping Unit ng QCPD, 8:00 ng umaga nang maaresto si Pacurib sa kanto ng Commonwealth Avenue at Camaro St., sa harap ng East West Bank Fairview sa nasabing siyudad.
Nabatid na nagsasagawa ng Anti-Carnapping operation ang mga pulis nang parahin si Pacurib na sakay ng phantom black na Hyundai Sta Feic (ABL-1994) dahil sa paglabag sa improvised plate.
Nang beripikahin ng mga awtoridad, natuklasan na ang minamanehong sasakyan ng pulis kabilang sa mga nakaalarmang sasakyan sa PNP-Highway Patrol Group, at pinalitan lamang aniya ng suspek ang plaka nito.
Nabatid na ang naturang sasakyan, nakarehistro na pag-aari ng Universal LMS Finance Corp. at inupahan lamang mula sa Areza Motor Sales.
Kasalukuyan ngayon nakapiit ang pulis at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 4136 (Unauthorized use of Improvised Plate at PD 1612 (Anti-Fencing Law).(Boy Celario/Ernie Dela Cruz)