PARANG “SEMENTERYO” NAPAKA TAHIMIK ANG TANGGAPAN NINA GEN DORIA AT COL DELORINO KAPAG ILIGAL NA SUGAL ANG PINAG-UUSAPAN?
Advertisers
NAKAKAPANGILABOT ang balitang mga notoryus ang nasa likod ng mga pasugalan sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang umanoy nakipag-alyado diumano sa ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nakabase sa Camp Efigenio Navarro at Provincial Police Office (PPO).
Dapat kumilos agad at huwag ipagwalang bahala ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., ang nakaka-panindig balahibong ulat na ito dahil nakataya ang kanyang pamunuan at ang liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Sinasabing nakakatakot at nakapaninindig balahibo ang nangyayari ngayon sa hanay ng kapulisan ng dahil sa ilang “police official” na may “unholy alliance” sa mga gambling operator.
Animoy parang kabuteng nagsulputan at walang kinakatakutang mag-operate ng lantarang iligal na sugal ang mga Peryahan na “front” ng iligal na sugal tulad ng “Pingpong, Drop ball, Color games at iba pang uri ng sugal sa bawat sulok at barangay sa mga bayan ng Naujan, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Socorro, Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Victoria, Baco, Puerto Galera, San Teodoro, Pola, Roxas at Calapan City dahil sa proteksyong ipinagkakaloob ng ilang mataas na opisyal ng kapulisan na gumagamit ng alyas Malasuwait at alyas Nonoy Hernandez para sa kolek-tong o intel-lihensya.
Ito umano ang nagdudimilat na katotohanan kung bakit lantaran ang iligal na sugal na kung tawagin ay sugal-lupa sa lalawigan ni Governor Humerlito Dolor.
Tumataginting ang halagang P800 hanggang P1-Milyon ang sinasabing “goodwill” o paunang handog para sa ilang tiwaling opisyal ng PNP ayon sa reklamong ipinarating sa inyong lingkod ng ilang peryante na umayaw na sa negosyong sugal dahil sa laki umano ang hinihingi sa kanila ng mga “bagman” o money maker ng ilang tiwaling opisyal ng kapulisan.
Ayon naman sa isa pang reklamo mula sa nagpakilalang barangay tanod na nakiusap na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan, animoy “vacuum cleaner” ang iligal na sugal na denisensyong dize at bilog na humihigop sa pinaghirapang Pera ng mga mamamayan sa nabanggit na lalawigan.
Kawawa naman ang ating mga kababayan na walang nakukuhang proteksyon mula sa mga kapulisan ng nasabing probinsya dahil sa kakutsaba umano ng mga gambling operator ang ilang mataaas na opisyal ng kapulisan ang mga nasabing tanggapan.
Panawagan nila kay PNP chief, Gen. Benjamin Acorda Jr., mag-resign kung hindi umano kayang gampanan ang kanyang tungkulin sa bayan at sa mamamayan dahil wala din umanong silbi ang ‘One-strike” Policy na ipinatutupad niya?
Pasok sa tinaguriang “protection racket” ang ilang tiwaling PNP officials kung kaya’t ganoon na lamang katalamak ang presensiya ng illegal gambling sa mga nabanggit na bayan sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Sinabi ng mga nagsusumbong na parang sementeryo ng La Loma katahimik ang tanggapan ngayon ng Camp Efigenio Navarro at PPO pagdating umano sa illegal gambling operations.
Samantala ilulunsad ngayong May 22, 2023 ng Philippine National Police o PNP ang “SUMBONG NYO, AKSYON AGAD” na ipinag utos ng PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., upang mapabilis ang pagrereport ng mga insidente at mga reklamo ng mga mamamayan.
Ang programang ito ng PNP ay isang sistema na magsisilbing tulay umano upang agad na matugunan ng pulisya ang mga insidente ng krimen, aksidente at iba pang pangangailangang panseguridad sa pamayanan pati na ang mga sumbong ng katiwalian at pang-aabuso ng mga pulis sa ating mga kababayan.
Tutukan natin!
***
Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.