Advertisers

Advertisers

P107k shabu nasamsam sa Navotas

0 102

Advertisers

MULI na namang pinuri ni Northern Police District Director PBGEN. Ponce Rogelio Peñones Jr., ang Station Drug Enforcement Unit ng Navotas PNP sa ilalim ng pamumuno ni Navotas City Chief of Police PCol. Allan Umipig nang makasamsam ng P107,440.00 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation.

Sa pamumuno ni SDEU chief PCapt Luis Rufo Jr., Sabado ng gabi ng maaresto sa kahabaan ng Tanigue Extension Barangay NBBS ang mga suspek na sina Ronel Erma y Morales , 29, ng Blk 12 Sawata C3 Road Dagat – Dagatan Caloocan City; at Marck Juanero y Ortigo, 31 ng Blk 26, Lot 90, Phase 2 Area 1 Barangay NBBS Navotas City.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang plastic sachets ng shabu na may timbang na 15.8 gms.at may standard drug price na P107, 440.00 at buy bust money.



Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang suspek.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">